Kung sasabihin ko sayo'ng gusto kita, may magagalit ba? marami ba sila? o isa ka rin sa kanila? E ano naman?! Masama bang ipagtapat ang nararamdaman? wala namang pinagkaiba yan kapag nagagalit ka o natutuwa o kapag nalulungkot ka. Hindi rin naman siguro insulto, o kabastusan kung sasabihin kong may gusto ako sayo.
Matagal na 'to eh. dati pa. Buhat nung una kitang makita. Pero nung umpisa wala pa 'to. Normal na tao lang tingin ko sayo. Araw araw, pa nga tayong nagkakatitigan. Araw araw tayong nagkakasalubong. Wala namang espesyal. Wala di ba? Pero ewan ko! Sa dinami rami pa ng makikita ko, bakit ikaw. Ni hindi ka marunong ngumiti o bumati man lang. Sa tuwing dudungaw ako, ikaw una kong makikita..nakatingin ka pa. Kapag lumilingonm ako, kahit hnd naman ikaw ang hinahanap ko, biglang ikaw ang nadun...kahit sa malayo, tinginan tayong dalwa. Mata ko ba ang problema o ang panignin ko...?
Kung sabihin ko sayo'ng gusto kita? iiwas ka ba? mawawala na parang bula? gusto ko lang naman to'ng nararamdaman ko sayo. alam ko di mo pa ako kilala, pero kung iiwas ka, paano mo makikita kung gaano kasaya ang puso ko tuwing nakikita ka? paano mo malalaman na sa bawat oras ikaw lagi kong hinahanap? paano mo mararamdaman, na tapat ako sayo?
Kung itatanong ko sayong pwede ka ba makabonding? Aayaw ka ba? o baka may nauna na sayong nagaya? dyan lang naman tayo oh..tamang kwentuhan at tawanan lang. hindi kita dadalhin sa lugar na di mo pa napuntahan o sa lugar na di kaaya aya. Ang gusto ko lang naman, maramdaman yung pakiramdam kapag kasama ka. hindi naman siguro masama yun. iingatan pa kita.
Kung saasbihin ko sayong gusto kita, maniniwala ka ba? o sasabihin mong lang BOLA! hindi mo alam kung gaano kahirap ang magtapat ng narramdaman mo sa taong di mo sigurado ang magiging reaksiyon. Kakambal kasi nito ay takot at hiya na parang napapiwas ka kapag nasa harapan mo na yung taong gusto mo. Guilty ang dating, tipong di mo magawang kausapin, o kamustahin, o mag-hi man lang kasi nga gusto mo siya.
Pero sana sa pag amin ko sayo, wag ka lang mawawala, wag kang iiwas, wag kang magagalit. Isang bagay lang naman gusto ko, ang pagintindi mo. Hindi ko naman hihingin na gustuhin mo rin ako, o gumawa ng oras para sakin o ang maglambing, kasi ang gusto ko, masaya tayong dalawa na walang naaabala o naiipit, walang problema kapag nagkikita, walang malisya kapag nagkasama....walang iwanan kahit anung mangyari at malaya ka pa rin makasama ang gusto mong mahalin.
ganyan kita kagusto..... magalit ka pa ba, kung sasabihin ko sayong gusto kita?