Posted on by mrgorgeousmanfreelancer.
Categories: misery.
http://mrgorgeousmanfreelancer.blog.friendster.com/
-----------------------------------------------------------------------
iba ang magmahal…. masarap ang pakiramdam…
lagi kang nakalutang… lagi kang inspired… lagi
kang ganado… lagi kang masaya…. laging
maganda mood mo
minsan nakakagawa tayo ng mali nang hindi natin
namamlayan dahil nagmamahal tayo…
may pagkakataong ibinibigay natin ang dapat
hindi ibigay dahil sa pagmamahal…
dahil kontento na tayo sa kanila… hindi na tayo
huminhingi pa o nagdi-demand ng kung anu-ano…
ayos lang kahit wala silang masyadong
oras…kahit hindi na magtext…kahit mamatay ka
sa kakahintay ng text niya sa wala ayos pa rin..
hndi pa rin nagbago pagtingin mo sa kanya… kasi
nga “mahal na mahal mo siya”….
dahil mahal m siya…ayaw mong nahihirapan at
nasasaktan ang mahal mo… kaya kahit sayo
mismo nagkakasala o nagkakamali,
isinasawalang bahala mo lang.. dahil nga “mahal
mo siya”… kahit paulit-ulit pa silang magkamali
ayos lang.. kasi nga “mahal mo siya”…
lahat naman ibinigay mo… nagmuka na ka nang
masama sa bahay nyo… halos hindi ka na umuwi
ng bahay dahil gusto mo siyang makita at ayaw
mong sumbatan ka niya na wala kang oras sa
kanya…ayaw mo siyang magtampo at magsumat sayo na
katiting na oras na nga lang, hindi
mo pa maibigay…
mas may oras ka na nga sa kanya kaysa sa
pamilya mo.. pero kulang pa pala un.
kung sinu-sino na nagtatampo sayo…halos mga
kaibigan mo nakalimutan mo na….pamilya mo
nakalimutan mo na at di na inuuwian…ultimo
bestfriend mo ni text hindi mo na nagagawa at
nakakamusta….
lahat ng iyon nagawa mo dahil umikot mundo mo
sa kanya…sa kanya lang…
dahil nga mahal na mahal mo siya…
sa sobrang pagmamahal mo.. halos handa mo
nang siyang ipakilala at ang relasyon nyo sa
pamilya mo.
pero tangina ni hindi ko lubos maisip na hindi na
pala nagwo-workout relasyon nmin….
akala ko masaya siya sa setup namin..akala ko
gusto niya ako.. akala ko mahal niya nga ako…
akala ko…akala ko….akala ko anghel nga siya ng buhay ko
kulang pa pala ang oras na ginugol ko kasama
siya….kulang pa pala ung effort ko na ibinigay ko
na lahat sa kanya na wala na ako halos itinira para sa
akin…kulang pa pala ung halos hindi na ako
umuwi ng bahay makasama lang siya…kulang pa
pala ung halos araw-araw akong magparamdam
sa kanya.. magtext, tumawag at magtelebabad…kulang pa pala ako
sa tuwing napapadaan ako ng simbahan at kahit
sa pagsimba mismo, palagi akong
nagpapasalamat sa taas kasi nga binigyan nya
ako ng anghel… binigyan niya ako ng ngiti…
ipinaramdam niya sa akin kung ano ang
pagmamahal..at kung paano magmahal
palagi ko siyang ipinagdarasal…palagi kong
ipinapanalangin na sana tulungan niya kaming
mapagtibay ang relasyon namin…palagi akong
nagpapasalamat sa kanya dahil dumating ang
isang angel sa buhay ko…
haaayyyy…. pero wala eh… pakiramdam ko
napaglaruan ako… pakiramdam ko naglalaro lang
pala ako ng hindi ko alam game over na…
ang dami kong pangarap..ang dami kong gustong
gawin…kasama siya dun eh…kasi nga mahal ko
siya. mahal na mahal.
pero wala akong kwenta eh..kulang pa ako…
kaya iniwanan ako.