minsan mas okay din ang maging mahina..
kasi mas nakikilala mo sarili mo
kapag malakas ka, pakiramdam mo kaya mo lahat
wala kang kapaguran
positibo ang pananaw mo sa buhay
wala kang nakikitang pangit, puro maganda at masaya
madapa ng isa, dalawa, o kahit ilan pa
walang pahi-pahinga
tayo agad, diretso ang lakad
minsan pa nga, tumatakbo pa para lang mauna
pero ngayong araw na to' gusto kong maramdaman ang pagod
nakikita ko kasi na hindi sa lahat ng oras tama ako
hindi laging tama ang mga naiisip ko
na nagkakamali rin pala ako
nakakasakit
nakakalimot sa iba at sa sarili
gusto kong mapagod kasi gusto ko namang magpahinga
yun ba'ng huminto man lang ang oras, ang mundo
at gawin ang talagang gusto ko
gusto kong makilala ang sarili ko
gusto kong malaman kung ano ang dapat ant hindi para as akin
ngayon, napagod ako
umiyak
natalo
natakot
nanghihina
nangangailangan
parte naman kasi ng buhay mga iyan.
pumapalakpak ang mga kamay ko sa mga taong milya milya ang narating
di ma-abot na pwesto sa itaas
nakakainggit na kayamanang taglay
pero, sa tingin ko mas nakakangiti ako sa kanila
kasi kahit papano, mas naramdaman ko yung kapayapaan
nakuha ko yung katahimikan
nayakap ko kung ano ang kulang sa akin
nakita ko kung ano ang mga mali sa akin
natanggap ko ang sarili ko nang buo
minahal ko kung ano ang meron at wala ako
kaya kahit wala ako ng lahat..kaya kong mag-taas noong nakatingin sa kanila
ng walang inggit
o masamang hangarin
ni mang-gaya ng estado
nangyari lahat...nung napagod ako
No comments:
Post a Comment
sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...