my sammy

my sammy

Friday, March 26, 2010

dating gawi

Sa tagal nang hindi ako nadadaan sa Resto...(ung dating pinapasukan ko bilang kahero..) biglaang pinatawag ako para magbantay. Graduation kasi nung anak ni Lola...kaya ako muna pinapunta..Pambihira, sari-saring komento natanggap ko. Sabi nung iba, pumuti ako, meron namang umitim daw. Meron pa nga tumaba daw ako samantalang may kasasabi lang na pumayat ako. =).. weird. Natatawa ako sa sarili ko kasi kahit ako naninibago sa pagkakaha... Nakalimutan ko nang magbawas kapag senior citizen. Tawanan kami nung isang waiter.

It was just one ordinary day when I realized, na ang daming tao. Malayo sa araw noong nagduduty pa ako doon. Naalala ko, kakulitan ko pa ang mga tauhan noon. Maingay kami kahit maraming customers. Naalala ko pa madalas kaming mag meeting. Tuwang tuwa sila kapag may pa-pizza ako sa kanila.. First time lang daw nila kasi naranasan yun. Mejo bata-bata pa ang mga mukha nila nun.. pero ngayon, nakikita na sa mga mukha nila and marka ng pagod at paghihirap sa buhay.

Marami ang nagbago doon. May iba pa siguro akong hindi napapansin.. pero ang alam ko marami. Pero sa isang banda, marami man ang nakakapanibago, may iisang bagay akong hindi nakakalimutan.

Noon kasi, kahit minsan lang mangyari, bago matapos ang duty ko, mayroong pumupunta doon. Dinadaanan ako para may kasabay akong umuwi. Parang sinusundo. Paglabas ko ng resto, alam ko na kung saan ako tutungo, doon...doon sa may ihawan ng barbecue. Paborito nya kasi yung inihaw na hotdog. Sa tuwing hihintayin nya ako sa labas, andun sya tumatambay malapit. Magpapapak. Ako naman, makikihingi. Hanggang sa makahiligan ko na rin kung ano ang paborito nya.

Masaya kami noon. Nilalakad lang namin pauwi kasi malapit lang ang tinitirhan ko papasok sa trabaho. Kahit pagod ako, masaya ako, hindi ko nga naiisip na pagod ako kasi kasama ko sya.

Ang pinakamasarap sa buhay ko noon, iyong paguwi ko sa bahay, alam ko ng naroon sya naghihintay sa paguwi ko. May bitbit akong pasalubong, sabay naming pagsasaluhan ang init ng pagkain. Sabay kaming nagdarasal para magpasalamat at humingi ng tawad sa mga pagkukulang namin sa tagapaglikha. Pagkatapos, maya-maya magpapahinga na kami. Alam mo iyong pakiramdam na yakap niya lang ako, nakayakap lang sa akin kahit amoy kusina ako. Iyong pakiramdam na akin na akin siya. Tapos walang masasayang na sandali kasi pag nakayakap na siya sa akin, nakaktulog na agad ako. Maalimpungatan man ako, andyan pa rin sya nakayakap sa kin. At ako rin sa kanya.

Gigising kami, paguusapan namin mga plano sa buhay. May listahan pa nga sya noon. Natutuwa ako kasi ako noong plano sa buhay, unti unting natututo dahil natuturuanniya ako sa buhay. Isa sa mga dahilan kung ako lalong nagmahal sa kanya. Kung tutuusin marami kaming problema, lingid sa kaalaman ng nakakarami, kahit madalas kaming magkasama, ay may mga tampuhan at hindi pagkakaintindihang namumuo saming dalawa. Pero sa akin, hindi ko pinanghahawakan iyon para talikuran siya. Minsan ko nang sinabi na aalagaan ko ung blessing na binigay niya sa akin, si Lord. Ang sabi ko pa sa kanya noon, handa ako sa lahat ng pagdadanan naming dalawa kasi ganun naman talaga ang nagmamahalan, hindi bumibitiw. Naniniwala kasi ako sa taas. Kaya naniniwala ako sa ibinigay niya. Marami pang magagandang nangyari sa buhay ko nung kasama ko siya...marami kang matututunan.

Sa ikli ng kwentong ito...oras ang itinakbo ng segundo sa isip ko sa sarap ng paggunita sa taong pinangarap ko..paulit-ulit. Paulit-ulit.

No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi