my sammy

my sammy

Wednesday, April 7, 2010

naalala na naman kita. tila bumabalik ang dati. panalanging sana matikmang muli ang tamis ng iyong mga ngiti. nananabik ako sa paguwi upang makasama ka. pipiliting hindi kumain para makasabay ka. yayakapin ka. hahagkan ang iyong tainga. at ibubulong sayo "mahal na mahal kita".  habang hinahaplos ang buhok mo, nakasandal ang iyong ulo sa kabila kong braso. paguusapan natin ang mga plano. yayakapin kita...napakasarap marinig na mahal mo ako. oo ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo. hindi ka man perpekto. pero sapat ka na para masabi kong ako'y kompleto. 
ayan ka na naman sa isipan ko. sa pagsapit ng gabi, nakahanda na ako sa yakap mong mahigpit. ang lamig ng gabi ay di alintana sa init ng iyong lambing. sabay tayong mananalangin, "ama, salamat sa biyaya" salamat dahil akin siya. wala nang iba.. pangangarapin ka araw at gabi. masaya man o hindi, sayo pa rin ako uuwi.
mamahalin na lang kita sa paraang alam ko. sa paraang alam kong hindi ka susuko. idadaan ko sa pangarap. idadaan ko sa kanta. maaari rin namang sa tula..kahit ano pa.. idadaan ko sa puso nang maramdaman mo na minahal kita at minamahal ng buung buo. kahit ikaw na lang.......at ako..at wala na ang "tayo"

No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi