my sammy

my sammy

Tuesday, April 6, 2010

tula_y

hahagkan kita, maaari ba?
susuyuin ka't yayakapin na parang akin ka
ilang oras na lang ba'ng natitira
bukas, baka ako'y kunin na

natatakot na ako nagyo'y nagiisa
nararapat ba na ako'y di mo na makita?
ang isang araw tila baga isang taon
tumatakbo, tumatakbo ang panahon
walang tigil..walang pagudlot

napapalibutan naman ako ng sigla't tuwa
pero bakit ika'y hindi kasama?
sumumpa hindi ba na hindi mawawala?
pero ang sumpa ang nawala at nanatili ang "bakit ba?"

patungo na ako sa bayang buhay
puno ng pagkakataon at pagasa
nakikita ka pa rin at naaalala
pero ala naman akong magawa
kundi sariwain na lamang ang aking diwa

kung muli mang ako'y magmamahal
aba't sana'y madali hangga't wala ng pagaalinlangan
puso ko'y iisa lang
iisa pa rin ang nilalaman

bukas ako'y maaaring wala na
bukas di natin alam baka ako'y di na hihinga
ngunit bukas...bawat bukas sa akin ay pagasa
sasabihin ko pa ring mahal kita kahit mukang huli na

No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi