my sammy
Tuesday, September 1, 2009
Ba't di ako makatulog kahit inaantok na ko?
Ewan ko??? inaantok na ako pero hnd ko magawang matulog. Siguro excited lang akong matapos tong blog ko...hnd.hnd.. siguro overwhelmed lang ako sa mga dumarating sa aking blessings...hmm..o baka may problema pa rin ako?? ewan ko.. basta ang naaalala ko lang, sabi kasi nila pag di ka raw makatulog may nagiisip daw sayo..
eh sino naman kaya nagiisip sakin??? ikaw ba yun? hehe..biro lang. pero sabi nila pag biro raw, kalahati ay totoo..di nga? eh panu yan, kung may nagiisip nga sa akin, may naiisip akong tao na pwedeng iniisip ako.. instinct ba to? sabi naman nila, pag instinct daw, mataas ang posibilidad na totoo lalo na sa mga babae.
kung naiisip mo man ako ngayon, salamat at naaalala mo ako. lam mo kahit pala pakiramdam ko nagiisa ako...may kasama pa rin pala ako. na tahimik na nagiisip sakin. sa katunayan nga, ang sweet mo para sa akin.. kasi ilang araw na akong di nakakatulog ng maayos.. ibig sabihin, araw araw mo rin akong iniisip.. eh bakt naman? malalim siguro ang dahilan..o pwedeng wala lang..
bt di mo na lang ako lapitan..para magkaunawaan.. hnd naman ako suplado...hmm.. hindi gwapo mejo matino..kalog at mahilig chumibog.. mabait din naman ako..mabait pa sa alaga mong aso..
kng ayaw mo ko lapitan..bt di mo nalang ako kausapin..hehe ganun di naman un... loko ako eh no.. itext mo nalng ako..siguro alam mo na num ko..kung hnd, hit me sa comment area.. will see there..
hehe..ang hirap magisip ng closing...mejo patulog nq... basta aayusin ko tong blog na 2.. tnx for catching me here..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Welcome to my life
Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?
Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi
.jpg)
.jpg)
ako din di makatulog madalas...
ReplyDeletesiguro nga may umiisip din sakin.
(pwede eh)