di ko maimagine height mo
pano ka ba nakapasok sa puso ko?
buti na lang hindi ka napapagod
kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko
kung pwede ka lang ipahuli sa pulis
ninakaw mo kasi ang puso ko
para ka kasing asukal
may ngiting kay tamis
di kita makalimutan
kasama ka na sa sitema ko
palagi akong nakangiti
palagi akong tulala
hindi naman ako ganito dati
normal lang ang buhay ko
paikut ikot na parang gulong
biglang lilitaw mamaya lulubog
pero ngayon laking pagbabago
di ko na rin makilala sarili ko
ngayon nakakalipad na ko
hanggang langit pa nga lundag ko
ano b'ang meron sayo?
di ako sanay na hindi kita nakikita
naiinis ako pag di kita katabi
hinahanap-hanap kita pag di kita kasama
gusto ko lagi lang akong nakayakap
gusto ko araw araw kitang tinititigan
gusto ko ang halimuyak mo
inaasam asam ko ang halik mo
mga nais ko habang kaasma kita
ang di na muna gumalaw ang araw
ang pagtigil ng oras
sana di na matapos ang gabi
kulang ang 24 oras kapag kasama kita
bitin ang kwentuhan kapag matutulog na
nakakapanghinayang ang gabi kapg tapos na
pero ikaw pa rin ang naaalala
araw araw kitang minamahal
araw araw din kitang yayakapin
pagsisilbihan kita
ibibigay ang lahat
sayo na ako tatanda at lilipas
hawak ang iyong kamay hanggang mahimlay
hindi ka iiwan kahit kailan
ikaw ang buhay ko...sayo lang ako
alay ko ang awit na gustung gusto ko
pakinggan mo't malalaman mo
kung ano ka sa akin
at kung ano na ako ngayon nang dahil sayo.
No comments:
Post a Comment
sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...