Posted on by mrgorgeousmanfreelancer.
Categories: Uncategorized.
------------------------------------------------------------------------
dati, normal ang buhay ko
kasama ko pamilya ko
kasama ko mga kaibigan ko
masaya naman ako sa buhay ko
kahit lahat nang gusto
di nakukuha ng kamay ko
pero nakukuha ko pa ring ngumiti kahit papaano
kuntento naman ako
sa kung anong meron ako
sa kung sino ako
masaya na ako
basta’t alam ko na mahal ako
ng kahit sino
kung sinu-sino na nga nakilala ko
marami rami na rin dumaan sa buhay ko
mga taong nagpahalaga sa pagkatao ko
mga taong nagmahal sa kung sino ako
mga taong tanggap kahit mga pagkatalo ko
may mga oras
na wala akong kasama pag may laban akong nananalo
nakakapagtampo
kapag ang nakikita lang sa akin ng tao
ay yung mga pagkakamali ko’t mga pagkakabigo
nung dumating ka at nakilala ko
buong mundo ko
ginulo mo
dahil naramdaman ko
nahulog ako sayo ng buong-buo
naging masaya tayo..
madalas magkasama
hirap at ginhawa
ikaw ang katabi ko
minahal kita ng husto
lalo na nung sabihin mo
"mahal mo na ako"
di nagtagal...
nasaktan lang ako
kasi iba ang pinapakita mo
yung mga ngiting dati ay sa akin mo ipinapakita
ngayo'y sa iba mo na nakukuha
balewala na lang siguro ako sayo
palagi na lang akong naghihitay sa pagdating mo
lagi kang wala kahit anino mo
may karapatan ba ako
na magtampo sayo?
manumbat ng mga bagay na pinaramdam mo?
siguro nga natalo ako
kasi ang hina ko
pero alam mo
nung dumating ka sa buhay ko
ung masayang mundo ko
sumaya lalo
kahit ganito lang ako
kaya kong ibigay lahat sayo
ung pagmamahal at respeto
na hindi kayang gawin at ibigay ng mga taong
akala mo
nadyan lagi at tapat sayo
.
.
.
.
.
.
.
andito lang ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
maghihintay pa rin sayo
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
i k a w a n g b u h a y k o
No comments:
Post a Comment
sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...