Posted on June 13, 2005 by mrgorgeousmanfreelancer.
Categories: misery.
-----------------------------------------------------------------------
nang minsang kasama kita
sinambit mo,
“importante ka sa akin”
ang hindi ko makakalimutan, yung linyang,
“mahal na kita”
naghintay ako…
kasi narinig kong sinabi mo, “hintayin mo ako”
kahit may iba akong mundo,
di kita iniwan
kasi narinig ko, ang sabi mo,
“wag mo akong iiwan”
kahit ilam beses mo akong iniiwan…
dahil sa mga narinig ko…
di mo ba alam?
di mo ba nararamdaman?
minahal kita nang husto
kaya kahit nararamdaman kong
balewala
lang
ako
sayo
d ako nagdaramdam
mas lalo pa kitang minahal
pero nalaman ko
d pala para sa akin mga narinig ko
kundi
para sa kanya
No comments:
Post a Comment
sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...