my sammy

my sammy

Friday, January 1, 2010

ang nagdaan




I guess this is it...when i tried to look back how far I've gone through...maxadong malayo. Sino na nga ba ako ngayon? Ano na ba ako sa paningin ng iba? Ilan at sinu-sino ba mga taong natutuwa at na-a-apreciate ang tulad ko? Noong bata pa ako, andami kong pinaniniwalaan. Mga pamahiin, mga sariling obserbasyon, mga maling natutunan. Iyun kaya humubog sa kin ngayon? Siguro parte iyon. Dumadating sa oras na natatakot akong kumilos... yung kulang na lang huwag na ako huminga. Nakakatakot kasi sa labas. You can't expect most of the people to accept you or to care about you. Okay na nga sana kahit hindi ka nila matanggap. What hurts the most, is mapapahiya ka pa. Yun tipong parang hindi ka tao sa kanila.

 I often compare myself to others. Ang dami ko kasing tanong sa sarili ko. Bakit sya ganyan, ako hindi? Buti pa sya may ganon, ako wala. Ba’t sya ang swerte nya, ako malas? Kaya siguro minsan hindi nila ako kayang ipagtanggol. Hindi ko maramdamang, proud sila sa akin. Ramdam ko ikinakahiya ako. Ni wala ngang tumagal na relasyon sa akin. I felt like i’m so ugly inside and out. I know this is wrong, but this is just what I feel. That's the way they made me feel.


Sobrang daming tao sa mundo at ilan sa kanila, dumaan sa buhay ko. Di ko nga akalain, lagpas sa daliri ko sa kanila ang plastic. Ang iba, manggagamit and it’s their character. Meron nga akong naging isang kaibigan, minahal ko sya ng sobra, pero anong ginawa sa akin, ginagago ako pag nakatalikod, Kung anu ano sinasabi. Mabuti na lang, hindi ako tinuruan ng mga magulang kong maging ganun. Nakakahiya sya. Sana matutunan nyang maging patas. Ayaw kong ikapahamak nya ng sarili nyang kaugalian.


Minsan hindi ko alam kung sino pwedeng takbuhan. Sa mga naging karelasyon ko..? sus,,.. magulo. Masakit..nakakapagod..nakakasawa. Lahat yata ng nakarelasyon ko naging paranoid ako sa kanila cz I used to be the submissive one. Mali ba iyon? cz I give everything pero ba't ganun? in the end I’m still alone. Naalala ko tuloy yung isang kanta na ang sabi, “BAKIT KUNG SINO PA, ANG SYANG MARUNONG MAGMAHAL, AY SIYANG MADALAS MAIWAN NANG DI ALAM ANG DAHILAN”. Totoo yung lyrics, sagad sa buto katotohanan. There’s another one, eto totoo rin at nangyari na rin sa akin, “MASAKIT TANGGAPIN, ANG KATOTOHANAN, KUNG WALA KANG PERA, WALA KA RING KAIBIGAN” and I’m sure that I am not the only one who encountered this. Bad trip nga eh, coz there were also times that when you needed someone the most, no one is there. At sila andyan kapag kailangan ka. How sweet?!

About sa family, I don’t have much to say. Mas madalas na hindi ko sila nakakasama. Pero the more na hindi ko sila nakakasama, the more that I’m realizing all my shortcomings to them. Tama sina ate at mama, na mabuti pa ibang tao, inaalala ko, buti pa barkada, lagi kong kasama. It hurts but it’s true. And the real thing that hurts me, eh sa dahil sobra akong magmahal sa kaibigan, or karelasyon, nakakalimutan ko sarili ko and my family And then suddenly, mawawala na lang iyong binuo naming samahan na napalitan ng galit, at puro kasiraan. Tapos may darating nab ago, it’s the same. Kaya nakakapagod at nakakasawa.


About myself, bukod sa nakalimutan ko sarili ko, naging matakaw ako. Kain ako dito kain doon. Naging sobrang magastos ako sa buhay. Both needs and wants na binibili ko. Tuloy minsan wala akong maiabot sa family ko. Kasalanan din pala ang maging sobrang magastos especially when you just waste your money for nothing.

Kung babalikan ko and dati, pupunta ako doon sa panahong bata pa ako.. Iyong walang kamuwang muwang. Doon kasi, walang takot. Buo pa pagkatao ko. At doon itutuwid ko ang lahat. Kung pwede ko lang iwasan iyong mga bagay at tao na nakapagpasakit ng loob ko, mga pangyayaring dahilan ng paglubog ko, iiwasan ko, o kaya babaguhin ko. Unfortunately, I can’t and all I can do is to straighten up my present. Eh pano? Ewan ko. Ramdamin ko na lang siguro kung ano ang tama. Magkikipit balikat na lang ako at tatahimik kapag may nakitang bagay na magpapasama ng loob ko. Minsan kahit masakit, kailangan kong harapin at tanggapin. Wala naming ibang tutuwid sa akin kundi sarili ko lang din. Take it from me, the only person you can trust the most is yourself. Not your family, not even the person you consider your life. I mean of course, you can trust them but not exactly that way you should trust yourself.

It’s been 4:25 am here. I’m right inside my room. I’m so sleepy but I want to finish this missive. To tell you honestly, right now, may bumabalot sa aking konting kalungkutan at takot. I’m managing it since its new year pero mahirap. Ang dami ko pa ring mga tanong na gusto kong malaman at linawin pero iniiwas ko na lang kesa lumala.

For 2 yrs, nakapagtrabaho rin ako. Call center at restaurant. Akala ko, magiging okay ang direksyon ko kapag ginawa ko ang alam ko tama. Hindi pa ako graduate, nagtatrabaho na ako. Call center pa. I expected that I can bring home money for my family anad not all that, as well as fortune, pero laking pagtataka ko parang walang pinagbago tahanan namin since the past 2 years. Nakakapag abot din naman ako sa kanila pero bakit ganun it seems I”m not contented from what I’m doing. Dumarating ang oras na nagsasawa na akong pumasok... minsan pati ang mabuhay pinagsasawaan ko na. Lalo na kapag walang nagiinspire sa akin.

Ang dami kong kalokohan sa buhay. Iniisip ko, lahat naman ng tao mayroong kalokohan... Pero narealize ko ang pagiging immature ko. Kailan lang ako nagising sa katotohanan na kailangan ko matutong lumaban para sa sarili ko. I should keep to myself that no one could ever hurt me, throw me and disrespect me. I should now build dignity and reputation for myself. Cz if I won’t start, no one will. Eh di ba nga, kahit pa yung pinakamamahal mo nagagawa kang iwan o lokohin. So, sino asahan mong magaangat sayo? Wala. I’ve realized that I should not always be submissive for all. Iyong tipong sobrang bait na hindi marunong magsabi ng “HINDI” o Tumanggi kapag ayaw ko. What else? Hindi ko naman pala kailangang ibigay lahat nang kung anong meron ako hindi porket mabait ang tao. I’ve learned na hindi porket gusto ko, kailangan mangyari. Yeah I know, I have to fight for what I want but at least, I also need to weigh things so it won’t screw me up. Dahil kadalasan, ginugusto natin ang isang bagay dahil gusto nating makapagpasaya ng kapwa, pero di mo alam isang araw, Iyon din ang ipantitira sayo.

Pakiramdam ko ngayon parang walang progress sa sarili ko. Kaya siguro, may mga taong mababa ang tingin sa akin. Yung tipong hindi nila maapreciate iyong mga kayang kong gawin. Nakafocus sila doon sa mga pangit sa akin. Masakit pa, marami silang mga judges. Akala mo nagaral ng Law, o Husgado ang propesyon. Hahatulan ka ng pagkabilanggo o kamatayan. Pagkabilanggo kasi, Ikukulong ka nila sa isang silid na puno ng galit, inggit, paninirang puri, at unfair treatment. Kamatayan naman, kapag pinapatay ka nang dahan-dahan. Yung pinagkakatiwalaan mo ng buo, pero pag nakatalikod ka sinisiraan ka o may sinasabing hindi mganda sayo.

Tsk tsk tao talaga. Magulo ang mundo ko sa labas. Kaya kapag nauuwi ako dito sa bahay naiisip ko, itong pamily ko, hindi ako pinapahiya o dina-down. Kahit saan man ako magpunta, wala nang hihigit pa sa tahanan ng pamilya ko. Dito, masasabi kong, hindi nila ako kayang iwan anuman ang mangyari. Hinding hindi nila ako ipagpapalit.

Sa dami na nangyari sa akin sa loob ng ilang taon, I have mentioned story just a few. All I can say is that, these are the things I’ve encountered from the past up until 2009. And today, the 2010 has entered, this is not a goodbye but a “see you again” in memories. I believe this is another chapter of my life that I need to fill in with good memories. Lord, give me more strength. Palagi ko naman sayong sinasabi, na isusuko ko lahat sayo. I know you’re always there for me and Thank you very much for that. I love you. Thank you for the gifts and blessing that every day you are pouring to us. My father had his life again. Help me to help him to stand up facing his life crisis. For my friends and family, thank you for giving them to me. I pray for good health and gain more true friends. And for the one I love, I really don’t know what to say but A big thank you. I should be brave enough on whatever might happen between us. As early as the first month, we’re already experiencing crisis. Lord, sinusuko ko po lahat sa inyo.

This is me. If you noticed, magulo. Kahit nga construction ng thoughts ko magulo from the way I write this thing. And this, I want to change. See you again 2009 and below. Hello 2010. I need a new life. I'll be there.


No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi