plano ko sanang wag na muna magsulat sa blog ko. wala kong gana. pero di ko alam kung dinala ako ng mga paa ko sa computer na to. umupo at magisip ng sasabihin. ito ang araw kung saan, bumuhos muli ang luha ko. bago nangyari yun, nagkausap kami ng nanay. this was the first time na nag-open ako sa kanya tngkol sa mga naiisip at naaramdaman ko. tinanong ko sya, "Ma, hindi ka ba nalulungkot dito?" sagot nya, "ba't ka malulugkot. kung di kapumapasok siguro. kaya nga ko pumapasok." sabi ko naman, "para kasing ang lungkot dito." sagot ni nanay, "sumali ka sa gawain, sasaya ka". may punto si mama sa mga oras na yun. nasabi ko na lang sa kanya, "parang di na kasi ako masaya." hindi ko alam kung naintindihan ako ng nanay ko sa mga oras na iyon. ang sinabi na lang nya, "kulang ka lang sa panalangin. manalangin ka". simpleng sagot pero malalim na kahulugan.
Okay naman ako dito pagkauwi ko. nagkukwentuhan kami ng ate. nagkabonding kaming magkapamilya. pero itong araw na to, mabigat. snagpaalam na ako sa kanilang kailngan ko nang umuwi sa inuuwian ko para makapaglaba. pagpasok ko ng kwarto tinutulugan ko sa amin, bigla akong napaupo sa maliit na lamesa, nag-crack ang pressure, doon ako nagsimulang umiyak at hinayaang lumabas lahat ng luhang matagal nang gustong lumabas. humagulgol pa ako. parang ayaw ko nang bumalik doon...parang ayaw ko na muna umalis dito.
kahapon, naglalaro sa isip ko kung babalik pa ba ko doon o dito na lang ako as bahay. hindi ko masyadong pinansin yun. mas itinuon ko na lang ang oras ko sa pamilya ko. at ngayon, mistulang sirang plakang pabalik balik sa isp ko. ayaw ko na doon. kasi malungkot. pero sabi ko na lang sa sarili ko, kailangan kong bumalik. binuo ko yung mundong iyon at hindi ko pwedeng pabayaan na lang. kahit na naging malungkot na doon, na datin punung puno nang saya. hindi na ako pwedeng bumalik dito...hindi sa dahil ayaw ko, pero dahil kailangan kong panindigan ang desisyong ginawa ko noon. mananatili akong malakas at buhay para sa sarili ko.
pagod na ako. pero alam ko isang araw, makakabangon ako sa lungkot na pinagdadaanan ko ngayon. makakalimot ako sa higpit ng pagkakataon. uuwi na ako. sa tahanang pinangarap ko. uuwi akong may baon, baon ng pagasa dahil sa nakikita ko, unti unting umaayos ang pagsasalita ng tatay ko. Lord, salamat sa araw araw na blessings na ibinigay at ibinibigay mo sa amin. tulad ng ipinapanalangain ko sayo, lahat isusuko ko sa inyo.
No comments:
Post a Comment
sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...