my sammy

my sammy

Sunday, January 3, 2010

Sulat ni Itay kay Inay

Mahal, alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon natin. maging ako man. Pero hindi mo ba nakikita sa akin na nagsisikap akong maging masaya ang pagsasama natin kahit mas madalas tayong magtalo? Ano ba pwede o dapat kong gawin hindi mabalewala ang nasimulan nating samahan? Tulungan mo naman ayusin ang lahat. Ayokong mawalay at mawala ka sa kin. Ikaw ang inaasahan kong kakalinga sa kin pag pareho nang maputi buhok natin. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang pinili ko. Ikaw may pagsisisi ka ba na minahal mo ako? Natatakot ako! Natatakot akong baka isang araw paggising ko, wala ka na sa tabi ko at hindi na kita mahanap pa. Alam mo sa twing naaalala kita, pinapatugtog ko paborito nating kanta. Naalala mo pa nung naguumpisa pa lang tayo? Saksi ang musikang iyon sa pagmamahalan natin at kung paano natin ipinaglaban ang isa't isa? Sana hindi ka magbago.


No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi