sa bawat araw na dumadaan
hindi ko alam
ba't ba kita iniisip?
palagi na kitang hinahanap
parang ewan...masaya ako sa tuwing nasisilayan ka
harap mo man o likod...
putakte hindi kita malimot
pero ano tong kirot na nadarama?
bakit ba? bakit ba nasasaktan ang puso ko
nagkakagusto na yata ako sayo
pero di kita malapitan
nais ko sanang makipagkaibigan
buhok mo'y, nais haplusin
gusto ko ako iyong mapansin
pero pano? hirap kunin ng atensyon mo
palagi ka pang nakayuko
ngayon lang ako tinamaan ng ganito
sayo pa na hindi marunong tumango
naalala mo, nang tinignan mo ako
saludo ang ibinigay ko
hindi ko kasi alam kung pano ako magsisimula
bigla ko lang naisip, pero muka mo'y iniwas pa
di ko alam kung anong iniisip mo
pero nababaliw na ata ako sayo
ginugulo mo mundo ko
drugs ka ba, inaadik mo ako
anong height mo?
at pano ka nagkasya sa puso ko
ipapupulis kita, pinasok mo na nga,
ninakaw mo pa puso ko
kinuha mo atensyon at pagiisip ko
di mo man nakikita
pero iisa lang sa ngayon ang gusto ko
yan ay ang magpakilala sayo
No comments:
Post a Comment
sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...