my sammy

my sammy

Sunday, December 6, 2009

Paligid- a sequel to forgetting him

Nakakabigla lang na sa saglit na mapadpad ka sa isang idiot box, marami ka nang maririnig at masasaksihang di kanais nais na kaganapan sa paligid.. at iyong palagid na kasama sa kwento ay iyong paligid na ginagalawan din natin. Hindi ka ba natatakot? O nababahala man lang? Pagbukas mo ng telebisyon, makikita mo patayan. Pag lipat mo sa kabila, rape. Sa kabila naman, away. Sa isa, pagnanakaw. Mapapanood mo sa balita lahat. Pero pagkatapos nun, lipat sa paboritong programa tulad ng teleserye, o mga banyagang palabas.
Ang iba sa atin walang pakialam. Busy sa trabaho. Ang iba baligtad ang oras. Hindi alam ang nagyayari sa paligid. Kahit sa sarili hindi alam ang nagyayari. Hati ang oras..nagkukulang pa.
Pero pag may free time, anong ginagawa? Pag walang ginagawa saan nagpupunta? Pag libre, ano naiisip gawin? Marami.
Nakakatakot lang paglabas mo nang bahay hindi mo alam kung anong bagay ang nakaabang sayo. Minsan kahit nasa loob ka ng bahay maiisip mo, hindi ka pa rin ligtas. Pero busy ka pa rin.
Pagpunta mo ng radyo, away pulitika ang pinaguusapan. Ganon din sa internet. Mga hollywood scandals at iba pa. Kung titignan mo ang mundo, bukod sa busy, nakakatakot na rin.
Kung ako papipiliin, ang buhay dati o ngayon, wala akong pipiliin. Parehong nakakatakot. Parehong hindi ligtas. Kahit nga sa sariling mong minamahal di ka ligtas. Kahit sa mga kaibigan mo, hindi ka ligtas. Ultimo pamilya mo hindi ka rin ligtas. Ang masakit kahit sa sarili mo hindi ka ligtas.
Walang kasiguraduhan sa mundo. Nakakatuwa lang, ang buhay ng tao ay patuloy...pero sa iba, bigla itong nawawala.
Minsan naisip ko, kailan kaya ako mabubura sa mundo? Lahat na siguro tayo natanong na sa sarili natin, pero bakit kaya tayo humahantong sa ganong katanungan? Hindi ko alam. Minsan kasi napapagod na ako pero masarap pa rin lasapin ang buhay.
Nabalitaan ko nga iyong nangyari sa Maguindanao. Iniisip ko kung andoon ako, ano kaya ang pakiramdam? OO alam ko nakakatakot, na tipong nakakaiyak... Pero iyong pakiramdam na wala ka nang magawa at alam mo nang oras mo na? Pinaka masakit pa iyong mga kababaihang inabuso bago pinutulan ng buhay. Ayoko mapunta sa ganoong sitwasyon. Sino ba may gusto? Pero marami sa atin naiisip pagpatiwakal. Hindi ko sila masisisi dala nang problema at depresyon. Pero kapag may nakaharap tayong holdaper o killer halos maihi tayo sa takot..iiyak pa nga tayo eh. Kahit iyong tipong Freddie vs Jason X, imaginin lang natin na andyan sila sa tabi tabi hindi na tayo makatulog. Pero may nagagawa pa rin magpakamatay.
Kaya nga diba, nakakapagtaka, ang mga tao sobrang busy sa mundo. Nakakatakot na sa tinitirhan natin. Pero anong ginagawa pa rin natin?
Naisip ko bigla ang pamilya ko. Pati iyong taong pinakamamahal ko. Kung pwede ko lang silang ilagay lahat sa braso ko, iyong tipong walang sinuman ang makakagalaw at makakahawak at makakakuha sa kanila, gagawin ko. Pero ang masakit, hindi ko magagawa. At kahit magawa ko pang bantayan sila at itago sa braso ko, darating din ang araw na lilipas silang lahat maging ako.
Itong umagang to, naisip ko na iparamdam sa kanilang lahat kung gaano ko sila kamahal. Na mamamatay ako para sa kanila. hindi nila alam kasi ang nakikita lang nila sa akin ay iyong mga pagkakamali ko at mga kalokohan sa buhay. Pero kakampi ko naman si bro. sya nakakaalam ng lahat.
Sana isang araw, magbago ang mundo. mawala na itong mga takot ko. Na kahit mawala man ako, alam ko hindi sila mapapano.

In Memories of the Maguinadano victims and their families

No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi