my sammy

my sammy

Sunday, December 6, 2009

Part 3- sa hatinggabi


At twing hatinggabi, kapag tulog na ang lahat, kapag ikaw na lang ang gising anong naiisip mo? HORROR? hindi iyon ang ibig kong sabihin. Pag wala kang magawa ano naglalaro sa isipan mo lalo na kapag malamig.... uso na ang net, dvd's at iba pa. Isang saksak mo lang, makakapanood ka na ng mga palabas na di angkop sa mga bata. At kapag nasa rurok ka na ng init, hindi mo na mapigil ang kalikutan ng kamay. Matapos ang sesyon, may nagawa ka ba? Meron...pantasya...BUSY no?
Naaalala mo nung bata ka pa? Pag hatinggabi, iyong tipong patay ang ilaw, tanging tunog ng insekto ang maririnig mo o ingay ng butiki, kapag tahimik ang paligid at ikaw na lang ang gising, ano una mong naiisip at nararamdaman? Takot. Andyan na si WHITE LADY o iyong halimaw sa banga. O kaya si bampira. Talukbong ka sa kumot, kapit na kapit ka kay kapatid o kaya kay nanay o tatay. Pinagpapawisan. Ihing ihi ka na pero di mo magawang bumangon baka kasi may bigla kang makita.
Pero iba na nung lumaki ka na. Sa panahon ngayon, marami ka na ngang makikita sa kalsada. May mga nakahubad pa. Ang iba, gising na gising sa hatinggabi at oras ng party. Sa hatinggabi rin nagaganap ang mga nakakatako t ng pangyayari at maiinit na tagpo. Sa hatinggabi, nakakagawa tayo ng mga bagay na tayo lang ang makakaalam. Mga bagay na gustong ulit ulitin twing hatinggabi.
Nawala na ang takot sa white lady atbp. Masarap ang buhay sa hatinggabi. Pero sa iba nakakatakot at di malilimutan.
Pero naisip mo ba na sa lahat ng mag ito, may nangyari bang matino sa buahy mo? Kung sa akin wala. OO naranasan ko ang parte ng buhay...pero sa edad kong to masyado pang maaga. Tuloy, hindi magandang epekto. Bumabalik sa akin ang mga ginawa kong kalokohan. Na kahit pinipilit mong ayusin ang sarili, pilit ka ring hinihila pababa. Ang masakit pa nyan, iyong mga taong inaasahan mong magbabangon sayo sa pagkalugmok ay sila pang tatapak at maglulubog sayo.
Maloko akong tao...napagdaanan ko na ang iba sa kanila..pero sa isang banda, naisip ko, inaaksaya ko lang pala panahon ko. Ang buhay ko ngayon puro sa takot umiikot. Sa pagibig, sa buhay, tungkol sa tagumpay at pagkatalo. Takot sa mga sasabihin ng tao. Dito umiikot ang mundo ko.
Naisip ko, lumipas na ang ilang taon, pero parang walang nagyayari sa buhay ko. Ganito rin ba'ng naiisip mo? Pwes pareho tayo. At swerte mo, kung alam mo na nakikita mo mga pagkakamali mo, ibig sabihin alam mo kung ano ang tama't mali. At kung alam mo ang mga ito, malamang alam mo kung ano na ang gagawin mo.


No comments:

Post a Comment

sa lahat ng comments na mababasa ko, pinakahihintay ko yun galing sayo...

Welcome to my life

Ikaw, ano ba gusto mo sa buhay mo?

Gusto ko lang sa buhay ay yakapin mo ako.. at makasama palagi